1 Mga Taga-Corinto 15:48-49
1 Mga Taga-Corinto 15:48-49 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Kung ano ang ukol sa lupa, ay gayon din naman silang mga taga lupa: at kung ano ang ukol sa langit ay gayon din naman silang taga langit. At kung paanong tinaglay natin ang larawang ukol sa lupa, ay tataglayin din naman natin ang larawang ukol sa langit.
1 Mga Taga-Corinto 15:48-49 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang katawang panlupa ay katulad ng nagmula sa lupa; ang katawang panlangit ay katulad ng nagmula sa langit. Kung paanong tayo'y naging katulad ng taong nagmula sa lupa, matutulad din tayo sa taong nanggaling sa langit.
1 Mga Taga-Corinto 15:48-49 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang katawang panlupa ay katulad ng katawan ng tao na gawa sa lupa, at ang katawang panlangit ay katulad ng katawan ng nagmula sa langit. Kaya kung paanong ang katawan natin ngayon ay katulad ng kay Adan na nagmula sa lupa, darating ang araw na ang katawan natin ay magiging katulad ng kay Cristo na nagmula sa langit.
1 Mga Taga-Corinto 15:48-49 Ang Biblia (TLAB)