1 Mga Taga-Corinto 15:33-34
1 Mga Taga-Corinto 15:33-34 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Huwag kayong paloloko. “Ang masasamang kasama'y nakakasira ng magagandang ugali.” Magpakatino kayo at talikuran ang pagkakasala. Ang iba sa inyo'y hindi kilala ang Diyos. Sinasabi ko ito upang mapahiya kayo.
1 Mga Taga-Corinto 15:33-34 Ang Salita ng Dios (ASND)
Huwag kayong palilinlang sa kasabihang iyan. Sa halip, ito ang inyong paniwalaan: “Ang masasamang kasamaʼy nakakasira ng mabuting ugali.” Magpakatino kayo at talikuran nʼyo na ang kasalanan. Sinasabi ko ito upang mahiya kayo sa inyong sarili, dahil may ilan sa inyo na mali ang pagkakakilala sa Dios.
1 Mga Taga-Corinto 15:33-34 Ang Biblia (TLAB)
Huwag kayong padaya: Ang masasamang kasama ay sumisira ng magagandang ugali. Gumising kayo ng ayon sa katuwiran, at huwag mangagkasala; sapagka't may mga ibang walang pagkakilala sa Dios: sinasabi ko ito upang kayo'y kilusin sa kahihiyan.
1 Mga Taga-Corinto 15:33-34 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)