1 Mga Taga-Corinto 14:14
1 Mga Taga-Corinto 14:14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kung nananalangin ako sa wikang iyan, nananalangin nga ang aking espiritu ngunit walang pakinabang ang aking pag-iisip.
1 Mga Taga-Corinto 14:14 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kung nananalangin ako sa ibang wika na hindi ko natutunan, nananalangin nga ang aking espiritu, ngunit hindi naman naiintindihan ng aking isipan.
1 Mga Taga-Corinto 14:14 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't kung ako'y nananalangin sa wika, ay nananalangin ang aking espiritu, datapuwa't ang aking pagiisip ay hindi namumunga.