1 Mga Taga-Corinto 13:12
1 Mga Taga-Corinto 13:12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa kasalukuyan, tila malabong larawan ang nakikita natin sa salamin, ngunit darating ang araw na harapan nating makikilala ang Diyos. Bahagya lamang ang nalalaman ko ngayon, ngunit darating ang araw na malulubos ang kaalamang ito, tulad ng lubos na pagkakilala niya sa akin.
1 Mga Taga-Corinto 13:12 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sa ngayon, para tayong nakatingin sa malabong salamin. Ngunit darating ang araw na magiging malinaw ang lahat sa atin. Bahagya lamang ang ating nalalaman sa ngayon; ngunit darating ang araw na malalaman natin ang lahat, tulad ng pagkakaalam ng Dios sa atin.
1 Mga Taga-Corinto 13:12 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't ngayo'y malabo tayong nakakikita sa isang salamin; nguni't pagkatapos ay makikita natin sa mukhaan: ngayo'y nakikilala ko ng bahagya, nguni't pagkatapos ay makikilala ko ng gaya naman ng pagkakilala sa akin.
1 Mga Taga-Corinto 13:12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)