1 Mga Taga-Corinto 12:22-24
1 Mga Taga-Corinto 12:22-24 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa katunayan, ang mga bahaging parang mahihina ang siya pa ngang kailangang kailangan. Ang mga bahagi ng katawan na inaakala nating hindi gaanong kapuri-puri ay pinag-uukulan ng higit na pagpapahalaga. Ang mga bahaging hindi likas na maganda ang siya nating higit na pahalagahan. Hindi na ito kailangang gawin sa mga bahaging sadyang maganda. Nang isaayos ng Diyos ang ating katawan, binigyan niya ng higit na karangalan ang mga bahaging di gaanong marangal
1 Mga Taga-Corinto 12:22-24 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang totoo, ang mga parte ng katawan na parang mahina ang siya pang kailangang-kailangan. Ang mga parte ng katawan na sa tingin natin ay hindi gaanong mahalaga ay inaalagaan nating mabuti, at ang mga parteng hindi maganda ay ating pinapaganda. Hindi na kailangang pagandahin ang mga parteng maganda na. Ganoon din nang isaayos ng Dios ang ating katawan, binigyan niya ng karangalan ang mga parteng hindi gaanong marangal
1 Mga Taga-Corinto 12:22-24 Ang Biblia (TLAB)
Hindi, kundi lalo pang kailangan yaong mga sangkap ng katawan na wari'y lalong mahihina: At yaong mga sangkap ng katawan, na inaakala nating kakaunti ang kapurihan, sa mga ito ipinagkakaloob natin ang lalong saganang papuri; at ang mga sangkap nating mga pangit ay siyang may lalong saganang kagandahan; Yamang ang mga sangkap nating magaganda ay walang kailangan: datapuwa't hinusay ng Dios ang katawan na binigyan ng lalong saganang puri yaong sangkap na may kakulangan
1 Mga Taga-Corinto 12:22-24 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa katunayan, ang mga bahaging parang mahihina ang siya pa ngang kailangang kailangan. Ang mga bahagi ng katawan na inaakala nating hindi gaanong kapuri-puri ay pinag-uukulan ng higit na pagpapahalaga. Ang mga bahaging hindi likas na maganda ang siya nating higit na pahalagahan. Hindi na ito kailangang gawin sa mga bahaging sadyang maganda. Nang isaayos ng Diyos ang ating katawan, binigyan niya ng higit na karangalan ang mga bahaging di gaanong marangal
1 Mga Taga-Corinto 12:22-24 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)