1 Mga Taga-Corinto 12:18-21
1 Mga Taga-Corinto 12:18-21 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ngunit nilikha ng Dios ang ating katawan na may ibaʼt ibang parte ayon sa kanyang nais. Kung ang katawan ay binubuo lamang ng isang parte, matatawag pa ba itong katawan? Ang totooʼy ang katawan ay binubuo ng maraming parte, ngunit iisang katawan lamang ito. Kaya hindi maaaring sabihin ng mata sa kamay, “Hindi kita kailangan,” at hindi rin masasabi ng ulo sa paa, “Hindi kita kailangan.”
1 Mga Taga-Corinto 12:18-21 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Subalit inilagay ng Diyos ang bawat bahagi ng katawan ayon sa kanyang kalooban. Kung ang lahat ng bahagi ay pare-pareho, hindi iyan maituturing na katawan. Ngunit ang totoo'y marami ang mga bahagi, ngunit iisa lamang ang katawan. Hindi rin naman masasabi ng mata sa kamay, “Hindi kita kailangan,” ni ng ulo, sa mga paa, “Hindi ko kayo kailangan.”
1 Mga Taga-Corinto 12:18-21 Ang Biblia (TLAB)
Datapuwa't ngayo'y inilagay ng Dios ang bawa't isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa kaniyang minagaling. At kung ang lahat nga'y pawang isang sangkap, saan naroroon ang katawan? Datapuwa't maraming mga sangkap nga, nguni't iisa ang katawan. At hindi makapagsasabi ang mata sa kamay, Hindi kita kinakailangan: at hindi rin ang ulo sa mga paa, Hindi ko kayo kailangan.
1 Mga Taga-Corinto 12:18-21 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Subalit inilagay ng Diyos ang bawat bahagi ng katawan ayon sa kanyang kalooban. Kung ang lahat ng bahagi ay pare-pareho, hindi iyan maituturing na katawan. Ngunit ang totoo'y marami ang mga bahagi, ngunit iisa lamang ang katawan. Hindi rin naman masasabi ng mata sa kamay, “Hindi kita kailangan,” ni ng ulo, sa mga paa, “Hindi ko kayo kailangan.”
1 Mga Taga-Corinto 12:18-21 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)