1 Mga Taga-Corinto 11:29-30
1 Mga Taga-Corinto 11:29-30 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sapagkat ang sinumang kumain at uminom nito nang hindi pinapahalagahan ang katawan ng Panginoon ay nagdadala ng kaparusahan sa kanyang sarili. At ito nga ang dahilan kung bakit marami sa inyo ang mahihina at may sakit, at ang ilan ay namatay.
1 Mga Taga-Corinto 11:29-30 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sapagkat ang sinumang kumakain at umiinom nang hindi kinikilala ang kahalagahan ng katawan ng Panginoon ay kumakain at umiinom ng kahatulan laban sa kanyang sarili. Iyan ang dahilan kung bakit mahihina at masasaktin ang marami sa inyo, at may ilan ngang namatay na.
1 Mga Taga-Corinto 11:29-30 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't ang kumakain at umiinom, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili, kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon. Dahil dito'y marami sa inyo ang mahihina at mga masasaktin, at hindi kakaunti ang nangatutulog.
1 Mga Taga-Corinto 11:29-30 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)