1 Mga Taga-Corinto 10:23-24
1 Mga Taga-Corinto 10:23-24 Ang Salita ng Dios (ASND)
Maaari nating gawin ang kahit ano, pero hindi lahat ay nakakabuti o nakakatulong. Huwag lamang ang sarili ninyong kapakanan ang inyong isipin kundi ang kapakanan din ng iba.
1 Mga Taga-Corinto 10:23-24 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mayroon namang magsasabi, “Malaya akong gumawa ng anuman,” ngunit hindi lahat ng ito ay nakakabuti. “Malaya akong gumawa ng anuman,” ngunit hindi rin lahat ng ito'y nakakatulong. Huwag ang sariling kapakanan ang unahin ninyo, kundi ang sa iba.
1 Mga Taga-Corinto 10:23-24 Ang Biblia (TLAB)
Lahat ng mga bagay ay matuwid; nguni't hindi ang lahat ng mga bagay ay nararapat. Lahat ng mga bagay ay matuwid; nguni't hindi ang lahat ng mga bagay ay makapagpapatibay. Huwag hanapin ninoman ang sa kaniyang sarili, kundi ang ikabubuti ng kapuwa.
1 Mga Taga-Corinto 10:23-24 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mayroon namang magsasabi, “Malaya akong gumawa ng anuman,” ngunit hindi lahat ng ito ay nakakabuti. “Malaya akong gumawa ng anuman,” ngunit hindi rin lahat ng ito'y nakakatulong. Huwag ang sariling kapakanan ang unahin ninyo, kundi ang sa iba.
1 Mga Taga-Corinto 10:23-24 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)