1 Mga Taga-Corinto 10:14-16
1 Mga Taga-Corinto 10:14-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya nga, mga minamahal, huwag kayong sasamba sa mga diyus-diyosan. Ganito ang sinasabi ko sa inyo sapagkat alam kong kayo'y matatalino; kayo na ang magdesisyon. Hindi ba't ang pag-inom natin sa kopa ng pagpapala na ating ipinagpapasalamat ay pakikibahagi sa dugo ni Cristo? At ang pagkain natin ng tinapay na ating pinipira-piraso ay pakikibahagi naman sa kanyang katawan?
1 Mga Taga-Corinto 10:14-16 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya mga minamahal, huwag kayong sasamba sa mga dios-diosan. Sinasabi ko ito sa inyo bilang mga taong nakakaunawa, kaya pag-isipan ninyo ang sinasabi ko. Sa tuwing nagtitipon tayo bilang pag-alaala sa kamatayan ni Cristo, may iniinom tayo na ating pinasasalamatan sa Dios at may tinapay din tayong hinahati-hati at kinakain. Hindi baʼt pakikibahagi ito sa dugo at katawan ni Cristo?
1 Mga Taga-Corinto 10:14-16 Ang Biblia (TLAB)
Kaya, mga minamahal ko, magsitakas kayo sa pagsamba sa diosdiosan. Ako'y nagsasalitang tulad sa marurunong; hatulan ninyo ang sinasabi ko. Ang saro ng pagpapala na ating pinagpapala, hindi baga siyang pakikipagkaisa ng dugo ni Cristo? Ang tinapay na ating pinagpuputolputol, hindi baga siyang pakikipagkaisa ng katawan ni Cristo?
1 Mga Taga-Corinto 10:14-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya nga, mga minamahal, huwag kayong sasamba sa mga diyus-diyosan. Ganito ang sinasabi ko sa inyo sapagkat alam kong kayo'y matatalino; kayo na ang magdesisyon. Hindi ba't ang pag-inom natin sa kopa ng pagpapala na ating ipinagpapasalamat ay pakikibahagi sa dugo ni Cristo? At ang pagkain natin ng tinapay na ating pinipira-piraso ay pakikibahagi naman sa kanyang katawan?
1 Mga Taga-Corinto 10:14-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)