1 Mga Taga-Corinto 10:12-13
1 Mga Taga-Corinto 10:12-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya't mag-ingat ang sinumang nag-aakalang siya'y nakatayo, at baka siya matisod. Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon.
1 Mga Taga-Corinto 10:12-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya kung iniisip ninyo na matatag na kayo sa inyong pananampalataya, mag-ingat kayo at baka mahulog kayo sa kasalanan! Walang pagsubok na dumarating sa inyo na hindi naranasan ng ibang tao. Ngunit maaasahan natin ang pangako ng Dios na hindi niya tayo pababayaang subukin ng higit pa sa ating makakaya. Kaya kung dumaranas kayo ng pagsubok, gagawa siya ng paraan para mapagtagumpayan ninyo ito.
1 Mga Taga-Corinto 10:12-13 Ang Biblia (TLAB)
Kaya't ang may akalang siya'y nakatayo, magingat na baka mabuwal. Hindi dumating sa inyo ang anomang tukso kundi yaong matitiis ng tao: datapuwa't tapat ang Dios, na hindi niya itutulot na kayo'y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pagilag, upang ito'y inyong matiis.
1 Mga Taga-Corinto 10:12-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya't mag-ingat ang sinumang nag-aakalang siya'y nakatayo, at baka siya matisod. Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon.
1 Mga Taga-Corinto 10:12-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)