1 Mga Taga-Corinto 1:30
1 Mga Taga-Corinto 1:30 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa kanya nagmula ang buhay na taglay ninyo dahil sa pakikipag-isa ninyo kay Cristo Jesus na siyang ginawang karunungan natin. Sa pamamagitan din niya, tayo'y itinuring na matuwid, ginawang banal at iniligtas ng Diyos.
1 Mga Taga-Corinto 1:30 Ang Salita ng Dios (ASND)
Dahil sa kanya, tayoʼy nakay Cristo Jesus. Si Cristo ang karunungan ng Dios para sa atin. Sa pamamagitan niya, itinuring tayo ng Dios na matuwid, ibinukod para sa kanya, at tinubos sa ating mga kasalanan.
1 Mga Taga-Corinto 1:30 Ang Biblia (TLAB)
Datapuwa't sa kaniya kayo'y nangasa kay Cristo Jesus, na sa atin ay ginawang karunungang mula sa Dios, at katuwiran at kabanalan, at katubusan
1 Mga Taga-Corinto 1:30 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)