1 Mga Taga-Corinto 1:22-23
1 Mga Taga-Corinto 1:22-23 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang mga Judio ay ayaw maniwala hanggaʼt walang nakikitang himala, at ang mga Griego naman ay humahanap ng sinasabi nilang karunungan. Ngunit kami naman ay ipinapangaral ang Cristo na ipinako sa krus – bagay na hindi matanggap ng mga Judio, at isang kamangmangan para sa mga hindi Judio.
1 Mga Taga-Corinto 1:22-23 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang mga Judio nga ay nagsisihingi ng mga tanda, at ang mga Griego ay nagsisihanap ng karunungan: Datapuwa't ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus, na sa mga Judio ay katitisuran, at sa mga Gentil ay kamangmangan
1 Mga Taga-Corinto 1:22-23 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang mga Judio'y humihingi ng himala bilang katunayan. Karunungan naman ang hinahanap ng mga Griyego. Ngunit ang ipinapangaral namin ay si Cristo na ipinako sa krus, na para sa mga Judio ay isang katitisuran at para sa mga Hentil ay isang kahangalan.
1 Mga Taga-Corinto 1:22-23 Ang Biblia (TLAB)
Ang mga Judio nga ay nagsisihingi ng mga tanda, at ang mga Griego ay nagsisihanap ng karunungan: Datapuwa't ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus, na sa mga Judio ay katitisuran, at sa mga Gentil ay kamangmangan
1 Mga Taga-Corinto 1:22-23 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)