1 Mga Cronica 29:10-11
1 Mga Cronica 29:10-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa harapan ng mga tao'y tuwang-tuwa si David na nagpuri kay Yahweh. Sinabi niya, “Purihin kayo magpakailanman, Yahweh, ang Diyos ni Israel na aming ama. Sa inyo ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang karangalan at ang pagtatagumpay sapagkat inyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa. Sa inyo ang kaharian at kayo ang dakila sa lahat.
1 Mga Cronica 29:10-11 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pinuri ni David ang PANGINOON sa harap ng mga tao. Sinabi niya, “O PANGINOON, Dios ng aming ninuno na si Jacob, sa inyo ang kapurihan magpakailanman! Makapangyarihan kayo, kagalang-galang, dakila, at kapuri-puri! Sapagkat sa inyo ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa. Kayo ang hari, O PANGINOON, at higit kayo sa lahat!
1 Mga Cronica 29:10-11 Ang Biblia (TLAB)
Kaya't pinuri ni David ang Panginoon sa harap ng buong kapisanan; at sinabi ni David, Purihin ka, Oh Panginoon, na Dios ng Israel na aking ama, magpakailan kailan man. Iyo, Oh Panginoon ang kadakilaan, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, at ang pagtatagumpay, at ang karangalan: sapagka't lahat na nangasa langit at nangasa lupa ay iyo: iyo ang kaharian, Oh Panginoon, at ikaw ay nataas na pangulo sa lahat.
1 Mga Cronica 29:10-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa harapan ng mga tao'y tuwang-tuwa si David na nagpuri kay Yahweh. Sinabi niya, “Purihin kayo magpakailanman, Yahweh, ang Diyos ni Israel na aming ama. Sa inyo ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang karangalan at ang pagtatagumpay sapagkat inyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa. Sa inyo ang kaharian at kayo ang dakila sa lahat.
1 Mga Cronica 29:10-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)