Itinapon ang dambuhalang dragon, ang matandang ahas na tinatawag na Diyablo at Satanas, na nandaraya sa buong sanlibutan. Itinapon siya sa lupa kasama ang lahat ng kanyang mga kampon. At narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi, “Dumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang lakas bilang Hari! Ipinamalas din ni Cristo ang kanyang kapangyarihan! Sapagkat pinalayas na sa langit ang umuusig araw at gabi sa mga kapatid natin. Nagtagumpay ang mga ito laban sa diyablo sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at ng kanilang pagsaksi sa katotohanan sapagkat hindi nila pinanghinayangan ang kanilang buhay. Kaya't magalak ang kalangitan at lahat ng naninirahan diyan! Ngunit kalagim-lagim ang daranasin ninyo, lupa at dagat, sapagkat ang matinding poot ng diyablo ay babagsak sa inyo! Alam niyang kaunting panahon na lamang ang nalalabi sa kanya.” Nang makita ng dragon na itinapon siya sa lupa, hinabol niya ang babaing nagsilang ng sanggol na lalaki. Ngunit ang babae ay binigyan ng mga pakpak ng malaking agila upang makalipad papunta sa ilang. Doon siya itatago sa loob ng tatlo't kalahating taon upang maligtas sa pananalakay ng ahas. Kaya't ang ahas ay nagbuga ng tubig na parang ilog upang tangayin ang babae. Subalit bumuka ang lupa at hinigop ang tubig na ibinuga ng dragon, kaya't naligtas ang babae. Sa galit ng dragon, binalingan niya ang nalalabing lahi ng babae upang digmain. Ito ang mga taong sumusunod sa utos ng Diyos at nananatiling tapat sa katotohanang inihayag ni Jesus.
Basahin Pahayag 12
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Pahayag 12:9-17
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas