Ang babae naman ay tumakas papunta sa ilang, sa isang lugar na inihanda ng Diyos para sa kanya, upang maalagaan siya roon sa loob ng 1,260 araw. Pagkaraan nito'y nagkaroon ng digmaan sa langit! Pinamunuan ni Miguel ang kanyang mga anghel sa pakikipaglaban sa dragon at sa mga kampon nito. Natalo ang dragon at ang kanyang mga kampon, at pinalayas sila sa langit. Itinapon ang dambuhalang dragon, ang matandang ahas na tinatawag na Diyablo at Satanas, na nandaraya sa buong sanlibutan. Itinapon siya sa lupa kasama ang lahat ng kanyang mga kampon.
Basahin Pahayag 12
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: Pahayag 12:6-9
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas