Ako'y si Juan, ang inyong kapatid at kasama sa kapighatian at pagtitiis na nararanasan ng mga kabilang sa kanyang kaharian dahil sa pakikipag-isa kay Jesus. Itinapon ako sa isla ng Patmos sapagkat ipinahayag ko ang salita ng Diyos at ang katotohanang inihayag ni Jesus. Noon ay araw ng Panginoon, at habang nasa ilalim ako ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, narinig ko mula sa aking likuran ang isang malakas na tinig na parang tunog ng trumpeta. Sabi niya, “Isulat mo ang iyong nakita, at ipadala mo sa pitong iglesya: sa Efeso, Esmirna, Pergamo, Tiatira, Sardis, Filadelfia at Laodicea.” Lumingon ako upang tingnan ang nagsasalita, at nakakita ako ng pitong ilawang ginto. Nakatayo sa gitna ng mga ilawan ang isang parang Anak ng Tao na nakadamit ng hanggang sakong, at may gintong pamigkis sa kanyang dibdib. Ang kanyang ulo at buhok ay kasimputi ng balahibo ng tupa o ng niyebe, at ang kanyang mga mata'y parang apoy na nagliliyab. Kumikinang ang kanyang mga paa na parang tansong pinakintab, at parang rumaragasang tubig ang kanyang tinig. May hawak siyang pitong bituin sa kanang kamay, at lumalabas sa kanyang bibig ang isang matalim na tabak na sa magkabila'y may talim. Ang kanyang mukha ay nakakasilaw na parang matinding sikat ng araw. Pagkakita ko sa kanya, para akong patay na bumagsak sa kanyang paanan, ngunit ipinatong niya sa akin ang kanyang kanang kamay at sinabi, “Huwag kang matakot! Ako ang simula at ang wakas, at ang nabubuhay! Namatay ako ngunit tingnan mo, ako'y buháy ngayon at mananatiling buháy magpakailanman. Nasa ilalim ng aking kapangyarihan ang kamatayan at ang daigdig ng mga patay.
Basahin Pahayag 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Pahayag 1:9-18
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas