Ngunit sa ganang akin, ako'y dadalangin, sa iyo, O Yahweh, sana'y iyong dinggin sa mga panahon na iyong ibigin. Dahil sa dakilang pag-ibig sa akin, ang iyong pangakong pagtubos ay gawin. Iligtas mo ako, ako ay sagipin, sa putik na ito't tubig na malalim; sa mga kaaway, ako'y iligtas din. Huwag mong tulutang ako ay maanod, o dalhin sa malalim at baka malunod; hahantong sa libing, ako pagkatapos. Yahweh, sa buti mo't pag-ibig sa akin, sa aking pagtawag ako sana'y dinggin, sa pagkahabag mo, ako ay lingapin. Ang iyong alipi'y huwag mong pagkublihan, ibsan mo na ako sa bigat ng pasan. Iligtas mo ako, ako ay lapitan; sagipin mo ako sa mga kaaway.
Basahin Mga Awit 69
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Awit 69:13-18
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas