Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 5:1-5

Mateo 5:1-5 RTPV05

Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao, umakyat siya sa bundok. Pagkaupo niya lumapit ang kanyang mga alagad at sila'y tinuruan niya. “Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit. “Mapalad ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos. “Mapalad ang mga mapagpakumbabá, sapagkat mamanahin nila ang daigdig.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mateo 5:1-5