Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 27:11-14

Mateo 27:11-14 RTPV05

Iniharap si Jesus sa gobernador at siya'y tinanong nito, “Ikaw nga ba ang Hari ng mga Judio?” Sumagot si Jesus, “Ikaw na ang may sabi.” Ngunit nang paratangan siya ng mga punong pari at ng mga pinuno ng bayan, hindi siya umimik. Kaya't sinabi sa kanya ni Pilato, “Hindi mo ba narinig ang paratang nila laban sa iyo?” Ngunit hindi pa rin siya umimik kaya't labis na nagtaka ang gobernador.