Mula noon ay ipinaalam na ni Jesus sa kanyang mga alagad ang mangyayari sa kanya. Sinabi niya, “Dapat akong magtungo sa Jerusalem at magdanas ng maraming hirap sa kamay ng mga pinuno ng bayan, mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan. Ako'y papatayin, ngunit sa ikatlong araw ako'y muling mabubuhay.” Dinala siya ni Pedro sa isang tabi at sinimulang pagalitan, “Panginoon, huwag nawang itulot ng Diyos! Kailanma'y hindi iyan mangyayari sa inyo.” Ngunit hinarap siya ni Jesus at sinabihan, “Umalis ka sa harapan ko, Satanas! Hadlang ka sa aking landas. Ang iniisip mo'y hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito. Sapagkat ano ba ang mapapala ng isang tao makamtan man niya ang buong daigdig, ngunit mapapahamak naman ang kanyang sarili? Ano ba ang maibabayad ng isang tao para mabawi niya ang kanyang buhay?
Basahin Mateo 16
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mateo 16:21-26
5 Days
They drain your joy, eat up your time, and rain on your parade—but there’s a better way to view difficult people. Let’s learn how to heal the relationships that suck the life out of us. Get ready for God to do His life-giving work when you start this new Life.Church Bible Plan to accompany Pastor Craig Groeschel’s message series, Relational Vampires .
5 Mga araw
Sinasabi ng mundo na ang kalayaan ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng kontrol sa lahat. Ayon naman sa Biblia, ang karunungan ay nagsasabi sa atin na mayroong kalayaan kahit hindi natin kontrol ang lahat. Maaari mong maranasan ang maging malaya sa pag-aalay ng sarili, sa pagsuko, sa pagsunod sa mga tuntunin, sa panandaliang paghinto, at sa paglilingkod sa iba. Paano magkakaroon ng kalayaan sa mga iyon? Tuklasin ang sagot dito.
7 Days
The world is in need of men who loves Jesus, their wife and their family. In this 7 day devotional, Chief Blogger Dennis Sy empowers men to put their faith into action.
Do you ever feel like you’re doing all the right things with all the wrong outcomes? Maybe you’re trying to connect with God, but you feel farther from Him than ever. If you’re on the brink of burnout, this 7-day Bible Plan, accompanying Pastor Craig Groeschel’s message series, is for you. It’s time to stop working for Jesus and start walking in the way of Jesus.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas