Sinabi pa ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Kaya't sinasabi ko sa inyo: huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong pagkain para mabuhay o tungkol sa damit na ibibihis sa inyong katawan, sapagkat ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit. Tingnan ninyo ang mga uwak, hindi sila nagtatanim ni umaani man; wala rin silang bodega o kamalig; ngunit pinapakain sila ng Diyos. Higit kayong mahalaga kaysa mga ibon! Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng pangangamba? Kung hindi ninyo magawâ ang ganoong kaliit na bagay, bakit kayo nangangamba tungkol sa ibang mga bagay? Tingnan ninyo ang mga bulaklak sa parang at unawain kung paano sila lumalago. Hindi sila nagtatrabaho ni humahabi man. Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon, sa kabila ng kanyang kayamanan, ay hindi nakapagdamit ng kasingganda ng isa sa kanila. Kung dinaramtan ng Diyos ang mga damo sa parang na buháy ngayon at kinabukasa'y iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya!
Basahin Lucas 12
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Lucas 12:22-28
4 na araw
Ang ating buhay espirituwal ay gaya ng halaman na lumalago at namumunga. Ang debosyonal na ito ay makakatulong sa ating paglago kay Kristo.
5 Days
We’re filled with anticipation as we lean into this season of celebration with the intention of tuning into the heart of God. Join us for four weeks as we: Behold Beauty; Break Barriers; Make Room, and are Surprised by God. Like all the best stuff in life, this journey is best taken with others—so grab a friend or two and your sense of wonder and roll into the Advent Season.
We’re filled with anticipation as we lean into this season of celebration with the intention of tuning into the heart of God. Join us for 4 weeks as we: Behold Beauty, Break Barriers, Make Room, and are Surprised by God. Like all the best stuff in life, this journey is best taken with others—so grab a friend or two and your sense of wonder and roll into the Advent Season.
10 Mga araw
“Puro pera na lang ang pinag-uusapan sa church namin!” Nasabi mo na ba ito? Narinig mo na ba ito? Ikaw ba yung pastor o preacher na guilty sa ganitong bagay? Pero, teka muna. Saan ba dapat pag-usapan ang tungkol sa pera? Mahigit 2,300 beses binabanggit ang pera sa Bible. Mukhang maraming nais sabihin ang Panginoon tungkol dito. Hindi ba dapat pag-usapan natin ito? Sa devotional na ito, alamin natin kung bakit mahalagang maunawaan ang tungkol sa pera ayon sa salita ng Diyos upang tayo ay maging tapat na alagad ni Kristo.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas