Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Panaghoy 2:15-19

Mga Panaghoy 2:15-19 RTPV05

O lunsod ng Jerusalem, hinahamak ka't pinagtatawanan ng lahat ng nagdaraan. Sinasabi nila, “Ito ba ang lunsod na huwaran ng kagandahan? Ito ba ang kagalakan ng lahat ng bansa?” Iniismiran ka ng iyong mga kaaway at kanilang sinasabi, “Nawasak na rin natin siya! Sa wakas bumagsak din siya sa ating mga kamay.” Isinagawa nga ni Yahweh ang kanyang balak; tinupad niya ang kanyang banta. Walang awa niya tayong winasak; pinagtagumpay niya ang ating kaaway at dinulutan ng kagalakan sa paglupig sa atin. Dumaing ka nang malakas kay Yahweh, Jerusalem. Araw-gabi, hayaan mong umagos ang iyong luha gaya ng ilog; huwag kang tumigil sa iyong pag-iyak. Bumangon ka't humiyaw nang paulit-ulit sa magdamag, sa bawat pagsisimula ng oras ng pagbabantay. Tulad ng tubig, ibuhos mo sa harapan ni Yahweh ang laman ng iyong puso! Itaas mo sa kanya ang iyong mga kamay alang-alang sa iyong mga anak; nanlulupaypay sila sa gutom, nakahandusay sa mga lansangan.