Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Job 16

16
Idinaing ni Job ang Ginagawa sa Kanya ng Diyos
1Sumagot naman si Job,
2“Narinig ko nang lahat ang inyong mga sinabi,
kayong lahat ay mang-aaliw na walang silbi.
3Wala na bang katapusan, mga salita mong walang laman?
Bakit ka ba nagsasalita ng ganyan?
4“Kaya ko ring sabihin ang lahat ng sinabi ninyo,
kapag kayo ang dumaranas ng hirap kong ito.
Matatambakan ko rin kayo ng salita at payo,
may kibit na ng balikat, may iling pa ng ulo.
5Ngunit ang sasabihin ko'y pampalakas ng inyong loob,
mga salitang bibitiwa'y pampabawas ng kirot.
6“Kung ako ay magsalita, hirap ko'y di maaalis;
kung magsawalang-kibo nama'y naroon pa rin ang sakit.
7Pinanlupaypay ng Diyos ang abâ kong katauhan
at nilipol pa niya pati aking sambahayan.
8Nakadikit na sa buto at kulubot ang aking balat,
larawan ng mga hirap na aking dinaranas;
ito raw ay katunayan ng aking kasalanan.
9Dahil sa matinding poot niya sa akin halos ako'y kanyang pagputul-putulin;
mga mata'y nanlilisik, may poot kung tumingin.
10Nilalait ako ng mga tao,
pinapaligiran at sinasampal ako.
11Ipinaubaya na ako ng Diyos sa masasama, pinabayaan sa mga taong walang awa.
12Sa aking pananahimik,
ako'y kanyang ginambala,
sinakal, dinurog at pinuntirya ng pana.
13Tinatamaan ako ng pana sa kabi-kabila,
sugat ko'y malubha
ngunit wala pa rin siyang awa.
14Paulit-ulit niya akong sinusugatan,
para siyang mandirigmang galit na galit sa kalaban.
15“Ako'y nakasuot ng damit-panluksa,
nakaupo sa alikabok, katawa'y nanghihina.
16Sa kaiiyak ko'y pula na ang aking mukha,
mata ko'y wala nang makita pagkat namamaga.
17Wala naman akong ginagawang masama,
panalangin ko sa Diyos ay tapat at walang daya.
18“Huwag mong tabunan, O Lupa, ang aking kaapihan,
huwag ipagkait sa akin ang hangad kong katarungan!
19Ang#Job 19:25. aking testigo ay nasa langit,
siyang tatayo't magtatanggol ng aking panig.
20Mga kaibigan ko ang sa aki'y humahamak,
kaya sa Diyos na lamang ako ay iiyak.
21“May magtanggol sana sa akin sa harap ng Maykapal,
tulad ng pagpanig ng isang tao sa kanyang kaibigan.
22Pagkat ilang taon na lang itong aking itatagal,
ako'y papunta na sa huli kong hantungan.

Kasalukuyang Napili:

Job 16: RTPV05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya