Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Job 10

10
Idinaing ni Job ang Kanyang Kalagayan
1“Ako'y nagsasawa na sa buhay kong ito,
sasabihin ko nang lahat, mapapait kong reklamo.
2Aking Diyos, huwag n'yo muna akong hatulan,
sabihin ninyo sa akin ang inyong paratang.
3Tama ba namang iyong pagmalupitan,
parusahan at itakwil ang likha ng iyong kamay?
At ang gawain ba ng masamang tao ang iyong magugustuhan?
4Ang iyo bang nakikita'y tulad din ng nakikita namin?
5Ang iyo bang buhay ay maikling tulad ng sa amin?
6Kung gayo'y bakit mo ako hinahanapan
ng pagkakasala at kamalian?
7Alam#Kar. 16:15. mo namang wala akong kasalanan,
at walang makakapagligtas sa akin mula sa iyong mga kamay.
8“Ang mga kamay mo ang sa aki'y lumikha,
ngayo'y kamay mo rin ang sa aki'y sumisira.
9Di ba't mula sa lupa ay ginawa mo ako,
ngayon ba'y pupulbusin at ibabalik dito?
10Niloob#Kar. 7:1-2. mong ako'y manggaling sa aking ama,
inaruga, pinalaki sa tiyan ng aking ina.
11Nilagyan mo ng buto at litid ang aking katawan,
saka binalutan ng balat at kalamnan.
12Ako'y binigyan mo ng buhay at wagas na pagmamahal,
at ang pagkalinga mo ang sa aki'y bumuhay.
13Ngunit ngayo'y alam ko na, ang iyong balak,
matagal nang panahong gusto akong ipahamak.
14Kapag ako'y nagkasala, ito'y iyong tinatandaan,
upang ipagkait mo sa akin ang kapatawaran.
15Kapag ako'y nagkasala, may katapat itong parusa,
kapag gumawa ako ng mabuti, wala namang gantimpala.
Punung-puno ng kahihiyan, itong aking abang buhay.
16Kung ako'y magtagumpay,
parang leon mong tutugisin,
gumagamit ka pa ng himala upang ako'y kalabanin.
17Palagi kang may testigo laban sa akin,
ang galit mo sa aki'y tumitindi bawat oras,
palagi kang may naiisip na panibagong bitag.
18“Bakit mo hinayaang ako ay isilang pa?
Namatay na sana ako bago pa mayroong sa aki'y nakakita.
19Bago ako isinilang ako sana'y namatay na,
sa libingan sana nagtuloy mula sa tiyan ng aking ina.
20Maikli na ang aking buhay kaya't ako'y tigilan mo na
upang sa aking natitirang araw makadama ng kaunting ginhawa.
21Ako'y malapit nang pumanaw, at hindi na magbabalik;
ang pupuntahan ko'y madilim at mapanglaw na daigdig.
22Isang lupain ng anino at kaguluhan,
na ang pinakailaw ay ang kadiliman.”

Kasalukuyang Napili:

Job 10: RTPV05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya