Juan 9:13, 14, 15, 16, 17, 18, 19, 20, 21, 22, 23, 24, 25, 26, 27, 28, 29, 30, 31, 32, 33, 34, 35, 36, 37, 38, 39, 40, 41
Juan 9:14 RTPV05
dahil Araw ng Pamamahinga nang gumawa si Jesus ng putik at nang pinagaling niya ang bulag.
Juan 9:15 RTPV05
Tinanong din siya ng mga Pariseo kung paano siya nakakita. Kaya't sinabi niya sa kanila, “Pinahiran niya ng putik ang aking mga mata, ako'y pinaghilamos at ngayo'y nakakakita na ako.”
Juan 9:16 RTPV05
Ang sabi ng ilang Pariseo, “Hindi maaaring mula sa Diyos ang taong iyon, sapagkat hindi niya ipinapangilin ang Araw ng Pamamahinga.” Ngunit sinabi naman ng iba, “Paanong makakagawa ng ganitong mga himala ang isang makasalanan?” At hindi sila magkaisa.
Juan 9:17 RTPV05
Kaya't tinanong nilang muli ang dating bulag, “At ikaw, ano naman ang masasabi mo tungkol sa kanya, dahil pinagaling niya ang iyong mga mata?” “Isa siyang propeta!” sagot niya.
Juan 9:18 RTPV05
Ayaw maniwala ng mga Judio na siya'y talagang dating bulag kaya't ipinatawag nila ang kanyang mga magulang.
Juan 9:19 RTPV05
“Anak nga ba ninyo ito? Talaga bang siya'y ipinanganak na bulag? Bakit nakakakita na siya ngayon?” tanong nila.
Juan 9:20 RTPV05
Sumagot ang kanyang mga magulang, “Anak nga namin siya at siya'y ipinanganak ngang bulag.
Juan 9:21 RTPV05
Ngunit hindi po namin alam kung bakit nakakakita na siya ngayon, o kung sino ang nagpagaling sa kanya. Siya na po ang tanungin ninyo. May sapat na gulang siya at makakapagsalita na para sa kanyang sarili!”
Juan 9:22 RTPV05
Ganoon ang sabi ng kanyang mga magulang dahil takot sila sa mga Judio. Alam nilang pinagkaisahan ng mga Judio na itiwalag sa sinagoga ang sinumang magpahayag na si Jesus ang Cristo.
Juan 9:23 RTPV05
Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng kanyang mga magulang, “Siya'y nasa tamang gulang na, siya ang tanungin ninyo.”
Juan 9:24 RTPV05
Muli nilang ipinatawag ang dating bulag at sinabi sa kanya, “Sa pangalan ng Diyos, magsabi ka ng totoo. Alam naming ang taong iyon ay makasalanan.”
Juan 9:25 RTPV05
Sumagot siya, “Hindi ko po alam kung siya'y masamang tao, o hindi. Isang bagay po ang alam ko; ako'y dating bulag, subalit ngayo'y nakakakita na.”
Juan 9:26 RTPV05
“Ano ang ginawa niya sa iyo? Paano niyang pinagaling ang iyong mga mata?” tanong nila.
Juan 9:27 RTPV05
Sumagot siya, “Sinabi ko na po sa inyo, at ayaw naman ninyo akong paniwalaan. Bakit gusto ninyong marinig muli? Nais ba ninyong maging alagad din niya?”
Juan 9:28 RTPV05
At siya'y kanilang minura, “Ikaw ay alagad niya! Ngunit kami'y mga alagad ni Moises.
Juan 9:29 RTPV05
Nalalaman naming nagsalita ang Diyos kay Moises ngunit ang taong iyon, ni hindi namin alam kung saan siya nanggaling!”
Juan 9:30 RTPV05
Sumagot ang lalaki, “Iyan nga po ang nakapagtataka! Hindi ninyo alam kung saan siya nanggaling, gayunpaman, pinagaling niya ang aking mga mata.
Juan 9:31 RTPV05
Alam nating hindi pinapakinggan ng Diyos ang mga makasalanan, ngunit pinapakinggan niya ang mga tunay na sumasamba sa kanya at sumusunod sa kanyang kalooban.
Juan 9:32 RTPV05
Noon pa man ay walang nakapagpapagaling ng mata ng taong ipinanganak na bulag.
Juan 9:34 RTPV05
Sumagot sila, “Ipinanganak kang makasalanan at ngayo'y nais mo pa kaming turuan!” At siya'y kanilang itiniwalag.
Juan 9:35 RTPV05
Nabalitaan ni Jesus na ang lalaking pinagaling niya ay itiniwalag ng mga Pariseo. Kaya't nang matagpuan niya ito ay kanyang tinanong, “Sumasampalataya ka ba sa Anak ng Tao?”
Juan 9:36 RTPV05
Sumagot ang lalaki, “Sino po ba siya, Ginoo? Sabihin ninyo sa akin upang ako'y manalig sa kanya.”
Juan 9:38 RTPV05
“Sumasampalataya po ako, Panginoon!” sabi ng lalaki. At sinamba niya si Jesus.
Juan 9:39 RTPV05
Sinabi pa ni Jesus, “Naparito ako sa mundong ito upang humatol, at nang sa gayo'y makakita ang mga bulag at mabulag naman ang mga nakakakita.”
Juan 9:40 RTPV05
Narinig ito ng ilang Pariseong naroon at siya'y kanilang tinanong, “Ibig mo bang sabihi'y mga bulag kami?”
Juan 9:41 RTPV05
Sumagot si Jesus, “Kung kayo nga'y bulag, wala sana kayong kasalanan. Ngunit dahil sinasabi ninyong nakakakita kayo, ang kasalanan ay nananatili sa inyo.”