Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Jeremias 17:5-8

Jeremias 17:5-8 RTPV05

Sinasabi ni Yahweh, “Susumpain ko ang sinumang tumatalikod sa akin, at nagtitiwala sa kanyang kapwa-tao, sa lakas ng mga taong may hangganan ang buhay. Ang katulad niya'y halamang tumubo sa disyerto, sa lupang tuyo at maalat, na walang ibang tumutubo; walang mabuting mangyayari sa kanya. “Mapalad ang mga taong nagtitiwala kay Yahweh, pagpapalain ang umaasa sa kanya. Katulad niya'y isang punongkahoy na nakatanim sa tabi ng batisan; ang mga ugat ay patungo sa tubig; hindi ito manganganib kahit dumating ang tag-init, sapagkat mananatiling luntian ang mga dahon nito, kahit hindi umulan ay wala itong aalalahanin; patuloy pa rin itong mamumunga.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Jeremias 17:5-8