Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Habakuk 3:1-6

Habakuk 3:1-6 RTPV05

Ito ay panalangin ni Propeta Habakuk: O Yahweh, narinig ko ang tungkol sa inyong ginawa, at ako'y lubos na humanga. Ulitin ninyo ngayon sa aming panahon ang mga dakilang bagay na ginawa ninyo noon. Maging mahabagin kayo, kahit kapag kayo'y nagagalit. Ang Diyos ay muling nanggaling sa Teman, ang Banal na Diyos ay nagmula sa kaparangan ng Paran. Laganap sa kalangitan ang kanyang kaluwalhatian, at puno ang lupa ng papuri sa kanya. Darating siyang sinliwanag ng kidlat, na gumuguhit mula sa kanyang kamay; at doon natatago ang kanyang kapangyarihan. Nagpapadala siya ng karamdaman at inuutusan ang kamatayan upang sumunod sa kanya. Huminto siya at nayanig ang lupa; sa kanyang sulyap ay nanginginig ang mga bansa. Ang mga walang hanggang bundok ay sumasambulat; ang walang hanggang kaburulan ay lumulubog— mga daang nilakaran niya noong unang panahon.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Habakuk 3:1-6