Iginala ko ang aking paningin sa buong daigdig, at nakita ko ang kawalan ng katarungan. Ang mga inaapi ay lumuluha ngunit walang tumulong sa kanila sapagkat makapangyarihan ang sumisiil sa kanila. Dahil dito, naisip kong mas mapalad ang mga patay kaysa sa mga buháy. Ngunit higit na mapalad ang mga hindi na isinilang sapagkat hindi na nila nakita ang kasamaan sa mundong ito. Nakita ko ring ang tao'y nagpapakapagod upang mahigitan ang kanyang kapwa. Ngunit ito man ay walang kabuluhan, tulad lang ng paghahabol sa hangin. Sinasabi nilang mangmang lamang ang maghahalukipkip ng kamay at magpapakamatay sa gutom.
Basahin Ang Mangangaral 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Ang Mangangaral 4:1-5
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas