“Kung susundin lamang ninyo si Yahweh na inyong Diyos at tutuparin ang kanyang mga utos, gagawin niya kayong pinakadakila sa lahat ng mga bansa sa balat ng lupa. Mapapasa-inyo ang lahat ng mga pagpapalang ito kung susundin ninyo ang Diyos ninyong si Yahweh. “Pagpapalain niya kayo sa inyong mga bayan at sa inyong mga bukid. “Pagpapalain niya kayo ng maraming anak, masaganang ani sa inyong lupain, at maraming alagang hayop. “Pagpapalain niya ang imbakan ng inyong inaning butil at ang mga pagkaing nagmumula roon. “Pagpapalain niya kayo sa lahat ng inyong gagawin.
Basahin Deuteronomio 28
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Deuteronomio 28:1-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas