Kaya, mga kapatid, pumili kayo sa mga kasamahan ninyo ng pitong lalaking iginagalang, puspos ng Espiritu, at matatalino upang ilagay namin sila sa tungkuling ito. Samantala, iuukol naman namin ang aming panahon sa pananalangin at sa pangangaral ng salita.” Nalugod ang buong kapulungan sa panukalang ito, kaya't pinili nila si Esteban, isang lalaking lubusang nananampalataya sa Diyos at puspos ng Espiritu Santo, at sina Felipe, Procoro, Nicanor, Timon, Parmenas, at si Nicolas na taga-Antioquia, isang Hentil na nahikayat sa pananampalataya ng mga Judio. Nang iharap sila sa mga apostol, sila'y ipinanalangin at pinatungan ng kamay. Patuloy na lumaganap ang salita ng Diyos at ang mga sumasampalataya ay parami nang parami sa Jerusalem. Maging sa mga paring Judio ay marami ring sumampalataya.
Basahin Mga Gawa 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Gawa 6:3-7
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas