Habang nasa Corinto si Apolos, tinahak naman ni Pablo ang mga dakong bulubundukin ng lalawigan hanggang sa siya'y makarating sa Efeso. Natagpuan niya roon ang ilang alagad at sila'y tinanong niya, “Tinanggap ba ninyo ang Espiritu Santo nang kayo'y sumampalataya?” “Hindi po, ni hindi namin narinig na may Espiritu Santo pala,” tugon nila. “Kung gayon, sa ano kayo nabautismuhan?” tanong niya. “Sa bautismo ni Juan,” tugon naman nila. Kaya't sinabi ni Pablo, “Binautismuhan ni Juan ang mga tumatalikod sa kasalanan. Ipinangaral niya ang pagsisisi sa mga Israelita upang sila'y sumampalataya kay Jesus, ang dumarating na kasunod niya.” Nang marinig nila iyon, nagpabautismo sila sa pangalan ng Panginoong Jesus. Nang ipatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila, bumabâ ang Espiritu Santo at sila'y nagsalita ng iba't ibang wika at nagpahayag ng mensaheng mula sa Diyos. Humigit-kumulang sa labindalawang lalaki ang nagpabautismo. Sa loob ng tatlong buwan, si Pablo'y pumapasok sa sinagoga at buong tapang na nagpapaliwanag sa mga naroon at hinihikayat niya ang mga tao na magpasakop sa paghahari ng Diyos. Ngunit may ilan sa kanila na nagmamatigas at ayaw sumampalataya, at nagsasalita pa sila ng masama laban sa Daan sa harap ng kapulungan. Kaya't iniwan ni Pablo ang sinagoga kasama ang mga mananampalataya at nagpatuloy ng kanyang pangangaral araw-araw sa paaralan ni Tirano. Tumagal siya roon nang dalawang taon, kaya't ang lahat ng naninirahan sa Asia, maging Judio o Griego ay nakarinig ng salita ng Panginoon.
Basahin Mga Gawa 19
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Gawa 19:1-10
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas