Mga kapatid na taga-Corinto, tapatan ang pagsasalita namin sa inyo. Ibinukas namin ang puso namin sa inyo. Hindi namin isinara ang aming puso sa inyo; kayo ang nagsara ng inyong puso sa amin. Ako'y nagsasalitang tulad ng isang ama, kaya buksan naman ninyo sa amin ang inyong puso, tulad ng ginagawa namin sa inyo. Huwag na kayong makipag-isa sa mga di sumasampalataya. Maaari bang magsama ang katuwiran at ang kalikuan? O kaya'y ang liwanag at ang kadiliman? Maaari bang magkasundo si Cristo at si Belial? Ano ang kaugnayan ng sumasampalataya sa di sumasampalataya? O di kaya'y ng templo ng Diyos sa diyus-diyosan? Hindi ba't tayo ang templo ng Diyos na buháy? Siya na rin ang maysabi, “Mananahan ako at mamumuhay sa piling nila. Ako ang magiging Diyos nila, at sila'y magiging bayan ko. Kaya't lumayo kayo sa kanila, humiwalay kayo sa kanila,” sabi ng Panginoon. “Huwag kayong makisama sa anumang karumihan, at tatanggapin ko kayo. Ako ang magiging ama ninyo, at kayo'y magiging mga anak ko,” sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.
Basahin 2 Mga Taga-Corinto 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 2 Mga Taga-Corinto 6:11-18
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas