Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

2 Mga Taga-Corinto 13:5-8

2 Mga Taga-Corinto 13:5-8 RTPV05

Subukin ninyo ang inyong mga sarili kung kayo'y namumuhay ayon sa pananampalataya. Suriin ninyo ang inyong sarili. Hindi ba ninyo nalalamang nasa inyo si Cristo Jesus? Maliban na lang kung kayo'y mga bigo sa pagsubok. Umaasa akong makikita rin ninyo na hindi kami bigo. Idinadalangin namin sa Diyos na sana'y huwag kayong gumawa ng masama, hindi upang palabasing kami'y tama, kundi upang makagawa kayo ng mabuti, kahit lumitaw na kami'y mali. Sapagkat hindi namin maaaring kalabanin ang katotohanan; wala kaming magagawa kundi tanggapin ito.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 2 Mga Taga-Corinto 13:5-8