Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Samuel 30:17-19

1 Samuel 30:17-19 RTPV05

Kinaumagahan, lumusob sina David at pinagpapatay ang mga Amalekita hanggang gabi. Wala silang itinirang buháy maliban sa apatnaraang kabataan na nakatakas na sakay ng kanilang mga kamelyo. Nabawi nila ang lahat ng sinamsam ng mga Amalekita, pati ang dalawang asawa ni David. Isa man sa kasamahan nila'y walang nabawas, matanda't bata, maging sa kanilang mga anak; nabawi nga nilang lahat ang sinamsam ng mga Amalekita.