1 Mga Taga-Corinto 9:26-27
1 Mga Taga-Corinto 9:26-27 RTPV05
Hindi ako tumatakbo nang walang patutunguhan at hindi ako sumusuntok sa hangin. Subalit sinasanay ko at sinusupil ang aking katawan, upang sa gayo'y hindi ako maalis sa paligsahan pagkatapos kong mangaral sa iba.