Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kawikaan 2:1-5

Mga Kawikaan 2:1-5 MBBTAG12

Aking anak, ang mga pangaral ko ay dinggin mo, at ang aking mga utos, ingatan nga at sundin mo. Ang pakinig mo'y ibaling sa wastong karunungan, at ito ay isipin nang iyong maunawaan. Pagsikapan mong hanapin ang tunay na kaalaman, pang-unawa'y pilitin mong makita at masumpungan. Kung ito ay parang pilak na iyong hahanapin, at tulad ng ginto, na iyong miminahin, malalaman mo kung ano ang kahulugan ng paggalang at pagsunod kay Yahweh, at matatamo ang kaalaman tungkol sa Diyos.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Kawikaan 2:1-5