Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 29:1-11

MGA AWIT 29:1-11 ABTAG

Mangagbigay kayo sa Panginoon, Oh kayong mga anak ng makapangyarihan, Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan. Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan: Inyong sambahin ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan. Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig: Ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog, Sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng maraming tubig. Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan; Ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan. Ang tinig ng Panginoon ay bumabali ng mga cedro; Oo, pinagpuputolputol ng Panginoon ang mga cedro ng Libano. Kaniya namang pinalulukso na gaya ng guya: Ang Libano at Sirion na gaya ng mailap na guyang baka. Humahawi ng liyab ng apoy ang tinig ng Panginoon. Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang: Niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades. Pinapanganganak ng tinig ng Panginoon ang mga usa, At hinuhubdan ang mga gubat: At sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawa't bagay: Kaluwalhatian. Ang Panginoon ay naupo sa Baha na parang Hari; Oo, ang Panginoon ay nauupong parang Hari magpakailan man. Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan; Pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan.