Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 105:1-22

MGA AWIT 105:1-22 ABTAG

Oh magpasalamat kayo sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan; Ipabatid ninyo ang kaniyang mga gawain sa mga bayan. Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo sa kaniya ng mga pagpuri; Salitain ninyo ang lahat niyang kagilagilalas na mga gawa. Lumuwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan: Mangagalak ang puso nila na nagsisihanap sa Panginoon. Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang kalakasan; Hanapin ninyo ang kaniyang mukha magpakailan man. Alalahanin ninyo ang kaniyang kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa: Ang kaniyang mga kababalaghan at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig; Oh ninyong binhi ni Abraham na kaniyang lingkod, Ninyong mga anak ni Jacob, na kaniyang mga hirang. Siya ang Panginoon nating Dios: Ang kaniyang mga kahatulan ay nangasa buong lupa. Kaniyang inalaala ang kaniyang tipan magpakailan man, Ang salita na kaniyang iniutos sa libong sali't saling lahi; Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham, At ang kaniyang sumpa kay Isaac; At pinagtibay yaon kay Jacob na pinakapalatuntunan, Sa Israel na pinakawalang hanggang tipan: Na sinasabi, Sa iyo'y ibibigay ko ang lupain ng Canaan, Ang kapalaran na iyong mana; Nang sila'y kaunti lamang tao sa bilang; Oo, totoong kaunti, at nangakikipamayan doon; At sila'y nagsiyaon sa bansa at bansa, Mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan. Hindi niya tiniis ang sinomang tao na gawan sila ng kamalian; Oo, kaniyang sinaway ang mga hari dahil sa kanila; Na sinasabi, Huwag ninyong galawin ang mga pinahiran ko ng langis. At huwag ninyong gawan ng masama ang mga propeta ko. At siya'y nagdala ng kagutom sa lupain; Kaniyang binali ang buong tukod ng tinapay. Siya'y nagsugo ng isang lalake sa unahan nila; Si Jose ay naipagbiling pinakaalipin: Ang kaniyang mga paa ay sinaktan nila ng mga pangpangaw; Siya'y nalagay sa mga tanikalang bakal: Hanggang sa panahon na nangyari ang kaniyang salita; Tinikman siya ng salita ng Panginoon. Ang hari ay nagsugo, at pinawalan siya; Sa makatuwid baga'y ang pinuno ng mga bayan, at pinalaya niya siya. Ginawa niya siyang panginoon sa kaniyang bahay, At pinuno sa lahat niyang pagaari: Upang talian ang kaniyang mga pangulo sa kaniyang kaligayahan, At turuan ang kaniyang mga kasangguni ng karunungan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 105:1-22