Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 10:12-18

MGA AWIT 10:12-18 ABTAG

Bumangon ka, Oh Panginoon, Oh Dios, itaas mo ang iyong kamay: Huwag mong kalimutan ang dukha. Bakit sinusumpa ng masama ang Dios, At nagsasabi sa kaniyang puso: Hindi mo sisiyasatin? Iyong nakita; sapagka't iyong minamasdan ang pahirap at pangduduwahagi upang mapasa iyong kamay: Ang walang nagkakandili ay napakukupkop sa iyo; Ikaw ay naging tagakandili sa ulila. Baliin mo ang bisig ng masama: At tungkol sa masamang tao, pag-usigin mo ang kaniyang kasamaan hanggang sa wala ka nang masumpungan. Ang Panginoon ay Hari magpakailan-kailan man. Ang mga bansa ay nalilipol sa kaniyang lupain. Panginoon, iyong narinig ang nasa ng mga maamo: Iyong ihahanda ang kanilang puso, iyong pakikinggan ng iyong pakinig: Upang hatulan ang ulila at ang napipighati, Upang huwag nang makapangilabot ang tao na taga lupa.