Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ANG MGA GAWA 4:32-35

ANG MGA GAWA 4:32-35 ABTAG

At ang karamihan ng mga nagsisampalataya ay nangagkakaisa ang puso at kaluluwa: at sinoma'y walang nagsabing kaniyang sarili ang anoman sa mga bagay na kaniyang inaari: kundi lahat nilang pagaari ay sa kalahatan. At pinatotohanan ng mga apostol na may dakilang kapangyarihan, ang pagkabuhay na maguli ng Panginoong Jesus: at dakilang biyaya ang sumasa kanilang lahat. Sapagka't walang sinomang nasasalat sa kanila: palibhasa'y ipinagbili ng lahat ng may mga lupa o mga bahay ang mga ito, at dinala ang mga halaga ng mga bagay na ipinagbili, At ang mga ito'y inilagay sa mga paanan ng mga apostol: at ipinamamahagi sa bawa't isa, ayon sa kinakailangan ng sinoman.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa ANG MGA GAWA 4:32-35