Kaya nga nalalaman ninyo rin, mga kapatid, na ang aming pagkapasok sa inyo, ay hindi nawalan ng kabuluhan: Kundi palibhasa'y nagsipagbata kami nang una at inalipusta, gaya ng inyong nalalaman, sa Filipos, ay nangagkaroon kami ng kalakasan ng loob dahil sa ating Dios upang salitain sa inyo ang evangelio ng Dios sa gitna ng maraming kaligaligan. Sapagka't ang aming iniaaral ay hindi sa kamalian, ni sa karumihan, ni sa pagdaraya. Kundi kung paanong kami'y minarapat ng Dios upang pagkatiwalaan kami ng evangelio, ay gayon namin sinasalita; hindi gaya ng nangagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa Dios na sumusubok ng aming mga puso. Sapagka't hindi kami nasusumpungang nagsisigamit kailan man ng mga salitang paimbabaw, gaya ng nalalaman ninyo, ni ng balabal man ng kasakiman, saksi ang Dios; Ni nagsihanap man sa mga tao ng kapurihan, ni sa inyo man, ni sa mga iba man, nang maaaring magsigamit kami ng kapamahalaan gaya ng mga apostol ni Cristo. Kundi kami ay nangagpapakalumanay sa gitna ninyo, na gaya ng isang sisiwa pagka inaamoamo ang kaniyang sariling mga anak
Basahin I MGA TAGA TESALONICA 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: I MGA TAGA TESALONICA 2:1-7
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas