Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

TITO 2:1-8

TITO 2:1-8 ABTAG01

Ngunit ikaw naman, magsalita ka ng mga bagay na angkop sa mahusay na aral. Ang matatandang lalaki ay dapat maging mapagpigil sa sarili, kagalang-galang, matino, malakas sa pananampalataya, sa pag-ibig, at sa pagtitiis. Sabihan mo rin ang matatandang babae na maging magalang sa kanilang asal, hindi mapanirang-puri, ni paalipin man sa alak; dapat silang magturo ng kabutihan, upang kanilang maturuan ang mga kabataang babae na ibigin ang kani-kanilang mga asawa, ibigin ang kanilang mga anak, maging matino, dalisay, masipag sa gawaing bahay, mabait, na nagpapasakop sa kani-kanilang asawa, upang huwag lapastanganin ang salita ng Diyos. Gayundin naman, himukin mo ang mga kabataang lalaki na maging matino sa pag-iisip. Sa lahat ng mga bagay ay ipakita mo ang iyong sarili na isang uliran sa mabubuting gawa; at sa iyong pagtuturo ay magpakita ka ng katapatan, pagiging kagalang-galang, wastong pananalita na hindi mapipintasan, upang ang kalaban ay mapahiya, na walang anumang masamang masasabi tungkol sa atin.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa TITO 2:1-8