Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA TAGA ROMA 4:4-8

MGA TAGA ROMA 4:4-8 ABTAG01

Ngayon sa gumagawa, ang kabayaran ay hindi itinuturing na biyaya, kundi siyang talagang nararapat. Ngunit sa kanya na hindi gumagawa, kundi sumasampalataya sa kanya na umaaring-ganap sa masamang tao, ang kanyang pananampalataya ay itinuturing na katuwiran. Gaya naman ng sinasabi ni David tungkol sa pagiging mapalad ng tao na itinuturing ng Diyos na matuwid na hiwalay sa gawa: “Mapapalad ang mga pinatatawad sa kanilang mga masasamang gawa, at ang mga tinakpan ang kanilang mga kasalanan. Mapalad ang tao na hindi ibibilang laban sa kanya ng Panginoon ang kasalanan.”