Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA TAGA ROMA 3:10-20

MGA TAGA ROMA 3:10-20 ABTAG01

gaya ng nasusulat, “Walang matuwid, wala, wala kahit isa; wala ni isang nakakaunawa, wala ni isang humahanap sa Diyos. Lahat ay lumihis, sama-sama silang nawalan ng kabuluhan; walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.” “Ang kanilang lalamunan ay isang libingang bukas; sa pamamagitan ng kanilang mga dila ay gumagawa sila ng pandaraya.” “Ang kamandag ng mga ulupong ay nasa ilalim ng kanilang mga labi.” “Ang kanilang bibig ay punô ng panunumpa at kapaitan.” “Ang kanilang mga paa ay matutulin sa pagpapadanak ng dugo; pagkawasak at kalungkutan ang nasa kanilang mga landas, at ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala.” “Walang takot sa Diyos sa kanilang mga mata.” Ngayon ay nalalaman natin na anumang sinasabi ng kautusan, iyon ay sinasabi sa mga nasa ilalim ng kautusan; upang matahimik ang bawat bibig, at ang buong sanlibutan ay mapasailalim ng hatol ng Diyos. Sapagkat sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay “walang tao na ituturing na ganap sa paningin niya,” sapagkat sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA TAGA ROMA 3:10-20