Magbigay sa mga pangangailangan ng mga banal at magmagandang-loob sa mga dayuhan. Pagpalain ninyo ang mga umuusig sa inyo; pagpalain ninyo, at huwag ninyong sumpain. Makigalak kayo sa mga nagagalak; makiiyak kayo sa mga umiiyak. Magkaisa kayo ng pag-iisip. Huwag ninyong ituon ang inyong pag-iisip sa mga palalong bagay, kundi makiayon kayo sa mga bagay na may kapakumbabaan. Huwag kayong magmagaling sa inyong mga sarili. Huwag ninyong gantihan ang sinuman ng masama sa masama. Isipin ninyo ang mga bagay na kapuri-puri sa harapan ng lahat ng mga tao. Kung maaari, hanggang sa inyong makakaya, ay makipamuhay kayo nang mapayapa sa lahat ng mga tao. Mga minamahal, huwag ninyong ipaghiganti ang inyong sarili, kundi ipaubaya iyon sa galit ng Diyos; sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” Kaya't “kung ang iyong kaaway ay magutom, pakainin mo; kung siya'y mauhaw, painumin mo; sapagkat sa paggawa mo ng ganito ay mga baga ng apoy ang ibubunton mo sa kanyang ulo.” Huwag kang padaig sa masama, kundi daigin mo ng mabuti ang masama.
Basahin MGA TAGA ROMA 12
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA TAGA ROMA 12:13-21
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas