Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA TAGA ROMA 1:1-7

MGA TAGA ROMA 1:1-7 ABTAG01

Si Pablo na alipin ni Jesu-Cristo, tinawag upang maging apostol, ibinukod para sa ebanghelyo ng Diyos, na kanyang ipinangako noong una sa pamamagitan ng kanyang mga propeta sa mga banal na kasulatan, tungkol sa kanyang Anak na mula sa binhi ni David ayon sa laman at ipinahayag na Anak ng Diyos na may kapangyarihan ayon sa Espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay mula sa mga patay, na ito'y si Jesu-Cristo na Panginoon natin. Sa pamamagitan niya'y tumanggap kami ng biyaya at pagka-apostol, para sa pagsunod sa pananampalataya sa lahat ng mga bansa, dahil sa kanyang pangalan; sa mga ito ay kasama kayo na mga tinawag kay Jesu-Cristo: Sa lahat ninyong nasa Roma na mga iniibig ng Diyos, mga tinawag na banal: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.