Sa iyo, PANGINOON, itinataas ko ang aking kaluluwa. O Diyos ko, sa iyo ako nagtitiwala, huwag nawa akong mapahiya; ang aking mga kaaway, sa akin ay huwag nawang magkatuwa. Oo, huwag nawang mapahiya ang lahat ng sa iyo'y naghihintay, mapahiya nawa ang mga gumagawa ng kataksilan nang walang dahilan. Ipaalam mo sa akin ang iyong mga daan, O PANGINOON; ituro mo sa akin ang iyong mga landas. Akayin mo ako sa iyong katotohanan, ako'y iyong turuan, sapagkat ikaw ang Diyos ng aking kaligtasan; sa iyo'y naghihintay ako nang buong araw.
Basahin MGA AWIT 25
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 25:1-5
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas