PANGINOON, alalahanin mo para kay David ang lahat ng kanyang kahirapan, kung paanong sumumpa siya sa PANGINOON, at nangako sa Makapangyarihan ni Jacob, “Hindi ako papasok sa aking bahay, ni hihiga sa aking higaan, Mga mata ko'y hindi ko patutulugin, ni mga talukap ng mata ko'y paiidlipin, hanggang sa ako'y makatagpo ng lugar para sa PANGINOON, isang tirahang pook para sa Makapangyarihang Diyos ni Jacob.” Narinig namin ito sa Efrata, natagpuan namin ito sa mga parang ng Jaar. “Tayo na sa kanyang lugar na tirahan; sumamba tayo sa kanyang paanan!” Bumangon ka, O PANGINOON, at pumunta ka sa iyong dakong pahingahan, ikaw at ang kaban ng iyong kalakasan. Ang iyong mga pari ay magsipagbihis ng katuwiran, at sumigaw sa kagalakan ang iyong mga banal. Alang-alang kay David na iyong lingkod, mukha ng iyong binuhusan ng langis ay huwag mong italikod. Ang PANGINOON ay sumumpa kay David ng isang katotohanan na hindi niya tatalikuran: “Ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan. Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan at ang aking patotoo na aking ituturo sa kanila, magsisiupo rin ang mga anak nila sa iyong trono magpakailanman.” Sapagkat pinili ng PANGINOON ang Zion; kanya itong ninasa para sa kanyang tirahan. “Ito'y aking pahingahang dako magpakailanman; sapagkat ito'y aking ninasa, dito ako tatahan. Ang kanyang pagkain ay pagpapalain ko ng sagana; aking bubusugin ng tinapay ang kanyang dukha. Ang kanyang mga pari ay daramtan ko ng kaligtasan, at ang kanyang mga banal ay sisigaw ng malakas sa kagalakan. Doo'y magpapasibol ako ng sungay para kay David, aking ipinaghanda ng ilawan ang aking binuhusan ng langis. Ang kanyang mga kaaway ay daramtan ko ng kahihiyan, ngunit ang kanyang korona ay magbibigay ng kaningningan.”
Basahin MGA AWIT 132
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 132:1-18
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas