Anak ko, ang aral ko'y huwag mong kalimutan, kundi ang aking mga utos sa iyong puso'y ingatan; sapagkat kahabaan ng araw at mga taon ng buhay, at kapayapaan, ang sa iyo'y kanilang ibibigay. Huwag mong hayaang iwan ka ng kabaitan at katotohanan; itali mo ang mga ito sa palibot ng iyong leeg, isulat mo sa iyong puso. Sa gayo'y makakatagpo ka ng lingap at mabuting pangalan sa paningin ng Diyos at ng tao.
Basahin MGA KAWIKAAN 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA KAWIKAAN 3:1-4
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas