Anak ko, ang aral ko'y huwag mong kalimutan, kundi ang aking mga utos sa iyong puso'y ingatan; sapagkat kahabaan ng araw at mga taon ng buhay, at kapayapaan, ang sa iyo'y kanilang ibibigay. Huwag mong hayaang iwan ka ng kabaitan at katotohanan; itali mo ang mga ito sa palibot ng iyong leeg, isulat mo sa iyong puso. Sa gayo'y makakatagpo ka ng lingap at mabuting pangalan sa paningin ng Diyos at ng tao. Sa PANGINOON ay buong puso kang magtiwala, at huwag kang manalig sa sarili mong pang-unawa. Sa lahat ng iyong mga lakad siya'y iyong kilalanin, at itutuwid niya ang iyong mga landasin. Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata; matakot ka sa PANGINOON, at sa kasamaan ay lumayo ka. Ito'y magiging kagalingan sa laman mo, at kaginhawahan sa iyong mga buto. Parangalan mo ang PANGINOON mula sa iyong kayamanan, at ng mga unang bunga ng lahat mong ani; sa gayo'y mapupuno nang sagana ang iyong imbakan, at aapawan ng bagong alak ang iyong mga sisidlan. Anak ko, ang disiplina ng PANGINOON ay huwag mong hamakin, at ang kanyang saway ay huwag mong itakuwil. Sapagkat sinasaway ng PANGINOON ang kanyang minamahal, gaya ng ama sa anak na kanyang kinalulugdan.
Basahin MGA KAWIKAAN 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: MGA KAWIKAAN 3:1-12
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas